When We Collide (When Trilogy #1)

By @vousetesbeaux

When We Collide (When Trilogy #1)

By @vousetesbeaux

Beatrix Hayle Ponce de Leon always gets what she wants pero sa tuwing nakukuha niya kung ano ang mga gusto niya ay kaagad lamang siyang nagsasawa.

Chapter 1

Prologue

“Hindi ko maabot!” Anas ko habang inii-stretch ang isa kong kamay para maabot ang laruang eroplano ng pinsan ko na nasabit sa ibabaw ng cabinet.

“Tsk! Ako na.” Palatak ni Colton at nilapitan kami. Tumingkyad lang siya at naabot na niya yung laruan. Hinarap niya si Cole at iniabot iyon sakanya.

“Yes! Ang galing mo talaga kuya Colton!” Cole said while jumping. Nginitian lang siya ni kuya at ginulo ang kanyang buhok saka na niya ako hinarap.

“Bakit kasi dito kayo sa loob nagpapatakbo ng eroplano? Mamaya makabasag pa kayo.” Sermon niya saakin. Napanguso naman ako sabay irap.

“Mainit sa labas, Colton. Tsaka baka masabit sa mga puno. Mas mahihirapan kami.” Pangangatwiran ko. Napailing naman siya dahil sa sinabi ko at muling binalingan ng tingin si Cole.

“Sa labas na lang kayo maglaro ng ate Beatrix mo ha?” Sabi niya sa bata. Cole immediately nodded his head. Of course, he can never say no to Colton. He adores my brother so much.

“Ate tara na! Sa labas na tayo!” Masaya niyang pag-aya saakin at nauna na siya sa may pintuan. Bumuntong hininga na lang ako at kinuha yung remote control ng laruan niya sa may center table.

Kaagad naman akong sumunod sakanya at iniwan na si Colton sa sala. Inilapag ni Cole yung laruan niya sa may damuhan ako naman ay sinubukan na paandarin ito.

“Itaas mo pa, ate Beatrix!” tumatalon niyang sabi habang masayang nakatingala doon sa laruan niyang lumilipad na sa era dahil kinokontrol ko. I bit my lower lip as I grant his request. Sa bawat galaw ng mga daliri ko sa remote control ay sinusunod ako ng laruang eroplano. Doesn’t it feels awesome when you can control things on the flip of your fingers?

“When I grow up I want to be like kuya Colton.” Bigla niyang sabi. I glanced at him while my fingers are still controling the remote.

“You want to be a pilot?”

“Yes! Gusto kong mag drive ng totoong airplane.” aniya. Napangiti naman ako.

“I’m looking forward to that… Captain Cole.” Sabi ko at muli siyang sinulyapan. Hindi nakatakas sa mga mata ko ang malalapad niyang mga ngiti. Oh Cole, you are just so adorable. Sigurado ako na maraming stewardess na mapapa-ibig itong si Cole kapag naging piloto siya.

“Beatrix, alas dose na.” anunsiyo ni manang Sally. Tumango naman ako at dahan-dahang ibinaba ang laruang erplano ni Cole mula sa ere. I made a perfect landing on the grass and then Cole clapped his hands in amusement. I wanted to play with him for a little longer but I have a class to attend to.

“Cole, maliligo na ako ha? May klase pa kasi ako.”

Medyo lumungkot ang kanyang mukha. “Sige ate, ingat ka.” Aniya.

I nodded my head. “H’wag kang mag-alala. Kapag sembreak ko na ay maglalaro tayo palagi.” I promised.

“Yehey! Sana sembreak mo na.” Aniya. Natawa naman ako at ginulo ang buhok niya bago muling nagpaalam sakanya. Pagpasok ko ay kaagad akong umukyat sa kwarto ko na katabi na kaharapan ng kwarto ni Colton. Kalahating oras akong nasa banyo at kalahating oras naman ang pag-aayos ko. Hindi ko naman kailangang magmadali dahil isang sakay lang naman ng jeep at nasa school na ako at isa pa, mabilis ang mga jeep dito sa Angeles City.

I’m a graduating nursing student in Holy Angel University. Ngayon ay mas sineseryoso ko na ang pag-aaral at binawas-bawasan na muna ang kakagimik dahil mahirap na, baka umulit pa ako this sem. I don’t want that to happen. Sayang lang ang mga ginastos ng mga magulang ko. I want to be like Colton too- who wouldn’t want to be like Colton anyway?- Gusto kong maipagmalaki rin ako ng mga magulang ko.

Imagine, nagtiyaga si Colton sa sampung taong pag-aaral bilang isang piloto and four years ago, he already got his license as a pilot captain.

Paglabas ko kwarto ko ay nadatnan ko si Colton na nasa sala pa rin at nanonood ng NASCAR.

“Colton, nasaan si Cole?” pagkuha ko sa atensyon niya. Binalingan niya ako ng tingin.

“Sinundo na ni tito Eman.” He answered.

Napanguso naman ako. “Sayang at hindi ko na naabutan.” I said in dismay.

Kinunotan niya ako ng noo. “Ang tagal mo kasing maligo. Ano ba’ng ginawa mo do’n, ha?” Aniya.

I rolled my eyes at him. “You’re not a girl, Colton. Hindi mo ko maiintindihan.” I said. He just shrugged at muling ibinalik ang atensyon sa panonood.

“I gotta go.” Paalam ko sakanya.

“Yeah, take care.” sabi niya habang tutok pa din sa telebisyon. Lumabas na ako ng bahay at nag-abang ng jeep doon sa main gate. May isang dumaan at walang gaanong tao sa loob kaya sumakay ako. Pagsakay ko ng jeep ay halos tumalon ako nang makita ko ang isang pamilyar na lalaki na nakaupo sa unahan na ngayon ay kaharap ko dahil nasa unahan din ako.

Seryosong-seryoso siya na binabasa ang mga hawak niya na sa tingin ko ay printed reviewers. Pagdating talaga sa pag-aaral ay napaka seryoso ni Brody Benitez. Ni minsan ay hindi ko pa nga siya nakitang gumimik. Masyado siyang seryoso sakanyang buhay. To think na chicken na chicken lang sakanya ang kurso niyang Civil Engineering dahil sa talino niya.

Kung kasing talino lang niya ako ay hindi na ako magpapakahirap pa at ie-enjoy ko ang buhay habang nag-aaral. Pero hindi e. Kung minsan ay nagreview na ako pero bumabagsak pa rin ako. Biglang tumigil ang jeep at may mga sumakay pa na estudyante pero ni isang beses ay hindi siya nag-angat ng tingin. Talagang seryoso lang siya sa pagre-review niya.

I wonder kung gaano din siya kaseryoso sa isang relasyon. Kung sa pagre-review niya ay ganyan siya kaseryoso, paano na lang kaya kung magka girlfriend siya? I blushed at my own thoughts.

“Miss! Miss! Yung nursing student.” Naibalik ako sa realidad nang marinig ko ang driver. Tumingin ako sa gawi niya at nagtama ang mga mata namin sa salamin. Doon ko napagtanto na ako pala ang tinatawag niya. Napaawang ang bibig ko.

“Nagbayad ka na ba? Malapit na tayo oh.” Aniya. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya.

“Ay sorry kuya! Sorry!” Nahihiya kong sabi at nagmadaling kumuha ng barya sa bag ko. Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa magkabila kong pisngi. Ni hindi nga ako makatingin sa katabi ko nang inaabot ko ang bayad. I’m sure everyone heard what the driver said! Nasa unahan pa naman ako! Napayuko na lang ako at hindi na makatingin sa mga iba pang sakay ng jeep.

Great, Beatrix! Just great! You just embarrassed yourself infront of your crush and infront of other students! Baka mamaya ay isipin pa ni Brody na hindi ako nagbabayad. **** it! Kung bakit ba kasi inuna ko pa ang pagpapantasya ko kaysa magbayad ng jeep? Nang tumigil na ang jeep sa harapan ng eskwelahan namin ay nagmadali akong bumaba. Nang nasa loob na ko ng main gate ay pumunta muna ako saglit doon sa gilid para hanapin yung ID ko sa bag ko.

Nakalimutan ko pa yata! **** naman!

Panay ang paghalukat ko sa loob ng bag ko at halos baligtarin ko na iyon pero wala pa rin akong makitang ID.

“****!” I cursed under my breath.

“I think this is yours.”

Mabilis akong nag-angat ng tingin nang marinig ko ang isang malamig at medyo paos na boses. Namilog ang mga mata ko nang makita ko si Brody Benitez na nakatayo sa harapan ko at hawak-hawak ang ID ko. Bago pa man ako magmukhang tanga sa harapan niya ay kinuha ko na ang ID ko mula sakanya. Our fingers touched!

“S-saan mo nakita?” Tanong ko. ****, ****, ****! Hindi ba dapat nagpasalamat muna ako bago ko siya tinanong ng ganito?

“Doon sa pwesto mo sa jeep. Nahulog mo yata no’ng kumukuha ka ng pamasahe.” Aniya. Muli nanamang nag-init ang magkabila kong pisngi nang maalala ko nanaman ang nangyari. Tangina!

“O-okay. Salamat.” Sabi ko na lang at tinalikuran na siya dahil sa kahihiyan. Pero nakaram****aman ako ng ilang nang maramdaman ko ang pagsunod niya saaking likuran. Nanginginig kong iniscan ang ID ko at nag flash sa monitor ang mga ibang impormasyon tungkol saakin. Mabilis akong naglakad papunta doon sa building ko. Nang makalayo-layo na ako ay lumingon ako sa likod para tignan kung nasa likod ko pa ba si Brody at nakahinga ako ng maluwang nang makita kong wala na siya.

Napakamalas ko naman yata ngayong araw na ‘to. Hindi ko alam kung may mukha pa akong maihaharap sakanya ngayon!

“Hi Beatrix!” Pagpasok ko pa lang ay si Ryan na kaagad ang bumungad ng bati saakin. Matipid ko lang siyang tinanguan at umupo na sa tabi ni Jessica.

“Seems like Ryan is still crazy over you.” Tinaas baba ni Jessica ang kanyang kilay at diniliaan ang kanyang front teeth. I looked at her with disgust.

“Shut up, Jess!” I groaned at nangalumbaba sa aking armchair.

Tinawanan niya ako. “Don’t give me that face, Beatrix. Parang hindi mo naging crush yang si Ryan ah.” Pagpaalala niya pa na lalo kong ikina-inis.

“Well, I thought he’s composed and proper! Hindi ko naman alam na ganyan pala siya ka-clingy! And that was just for like… a month? So shut up now, Jessica.”

“Ang sabihin mo, hindi ka marunong makuntento!” Asar niya pa saakin. Inirapan ko na lang siya at hindi pinansin ang paratang. Masyadong naging masalimuot ang hapon ko kaya wala akong gana para patulan ang mga pang-aasar niya.

“Alright, I’ll shut up.” She raised both of her hands in defeat nang mapansin niyang nanahimik na ako. Well she should.

“Sa PGN kayo?” Tanong ni Ryan na ngayon ay nakasunod saamin ni Jessica. Kunwari ay wala akong narinig at nagpatuloy sa kunwari’y pag scroll ko ng phone ko kahit wala naman akong message na natanggap.

“Yes, Ry.” si Jessica na ang sumagot.

“Great! Doon din ako.” Sagot niya na naging dahilan para palihim kong tignan ng masama si Jess. **** it! Wala na bang mas papangit sa araw ko na to? Nagkibit balikat lang si Jess at nagpatuloy sa paglalakad. Tinabihan ako ni Ryan sa paglalakad and I swear! Sobra akong naiilang at kulang na lang ay tumakbo ako nang malayo ako sakanya.

Ganyan ba siya ka manhid para hindi niya maramdaman na ayaw ko sakanya? He keeps on pestering me and I don’t like it! Naiinis ako.

“What are you planning to eat, Beatrix?” Tanong niya habang sinasabayan ako sa paglakad. Mas nilakihan ko ang mga hakbang ko para kahit papaano ay mauna ako sakanya.

“Anong kakainin mo?” Ulit niya sa tanong niya at muli nanaman ako pinantayan. Ginawa ko na lang normal ang paglalakad ko dahil hindi naman ako mananalo.

“Fries lang.” tipid kong sagot.

“Ahh. Ako na ang pipila para saatin.” Aniya na tinanguan ko na lang para matapos na. Gusto ko lang mabuhay ng matiwasay! Nang makarating na kami sa canteen ng PGN building ay naghanap ako kaagad ng upuan. Si Ryan naman ay nagpunta na doon sa stall na may nagbebenta ng fries na may kasama ng inumin. Sabi niya ay siya na lang ang o-order edi siya na.

Hindi na ako makikipagtalo pa.

Umupo si Jess sa harapan ko.

“You okay?” Natatawa niyang tanong.

“Ugh! No!” I groaned.

“Bakit kasi hindi mo pa prangkahin kaysa sa naiinis ka diyan?” She suggested.

“I’m giving him the signals that I don’t like him! Ano pa ba ang hindi niya makuha doon?”

“Iba pa rin yung ikaw mismo ang magsasabi.” aniya. Hindi ako nakasagot. Hindi rin naman kasi ako magaling sa mga confrontation. At ang nakakainis pa ay hindi mahalata nitong si Ryan na ayaw ko naman sakanya.

“Osya, bibili lang ako ng sundae.” paalam niya. Tumango naman ako at nagready na ng pera para pagdating ni Ryan ay babayaran ko ang inorder niya para saakin.

Maya-maya lang ay mas naunang dumating si Ryan na may dala-dalang dalawang tall cups na may drinks at fries na. Nakangiti siyang umupo sa harapan ko at inilagay sa tapat ko yung para saakin. Iniabot ko sakanya ang isang 100 peso bill.

“No, Beatrix. Hindi mo na kailangang bayaran.” Pagtanggi niya.

“I insist.” Sabi ko.

Pumalatak siya. “Hindi nga, ang kulit.” Aniya. Pinaghalong guilt at gratitude ang naramdaman ko nang mga sandaling iyon. Nagu-guilty ako dahil sa pagiging bastos ko kanina. Gwapo naman si Ryan at good catch din pero hindi ko gusto ang pagiging clingy niya.

“Salamat, Ryan.” Sabi ko at lumambot ang ekspresyon at ang boses ko. Nginitian niya lang ako at sinimulan na ang pagkain. Kagaya niya ay kumain na rin ako.

Sa kalagitnaan ng pagkain ko ay ram****a ramdam ko ang mga titig ni Ryan. Nag-angat ako ng tingin sakanya. I looked at him quizzically. Nagulat na lang ako nang kumuha siya ng tissue at pinunasan ang gilid ng labi ko. My eyeballs looked left and right to check if there’s someone’s watching us.

Nang maibalik ko na ang mga mata ko sa gawi ni Ryan ay para akong napasong iniwas ang mukha ko mula sa pagpunas ni Ryan. Napamura ako sa isip ko. He saw us! Brody saw us! ******!

Comments On This Chapter

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
Comment 0 Comments

Similar Stories

Similar Titles